Lalaki, Natagpuang Nakabigti sa Puno ng Mangga, Patay

188

*Cauayan City, Isabela*- Natagpuang nakabitin ng mga residente sa puno ng manga ang katawan ng isang lalaki na wala ng buhay sa Brgy. Duyon, Rizal, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Romel Culili, 42 anyos na residente sa nasabing lugar.


Ayon sa naging imbestigasyon ni P/Capt. Jovencio Calagui, Hepe ng PNP Rizal, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa kapatid ng biktima na kinilalang si Romy Culili na natagpuan ang katawan ng kanyang kapatid na nakabitin sa isang puno.

Agad namang bineripika ng pulisya ang nasabing impormasyon at agad na tumambad sa kanila ang wala ng buhay ng biktima.

Napag alaman pa na may sakit sa pag iisip ang nasawing si Culili na sumasailalim sa gamutan.

Wala namang foul play sa insidente ng pagpapakamatay ng biktima

Facebook Comments