Pamahalaan makikipag dayalogo sa mga apektadong negosyante sa Taal

30

Kakausapin muna ng pamahalaan ang mga apektadong negosyante bunsod ng patuloy na pag aalburoto ng Bulkang Taal.

 

Sa laging handa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Interior & Local Govt Usec. Epimaco Densing na sa ngayon ay tanging pakikipag dayalogo muna sa mga ito ang kanilang magagawa.


 

Matatandaang ipinag utos muna kasi ng DILG ang pansamantalang pagsasara ng mga business establishments sa Tagaytay dahil hindi pa ligtas ang sitwasyon ngayon duon bunsod ng may mga ipinakikita pang aktibididad sa ilalim ng bulkang taal na maaaring humantong sa pagsabog nito.

 

Paliwanag ni Densing susunod na pag aaralan ng Department of Trade & Industry ay kung ano-anong tulong ang maaring ipagkaloob ng pamahalaan sa mga naapketuhang negosyante.

 

Hanggat hindi ibinababa sa alert level 4 ang sitwasyon sa Taal ay hindi muna maaaring magbukas ang mga establishemento doon.

Facebook Comments
From Advertisers