Matt Evans, kinasuhan dahil sa physical abuse?

71

Nilinaw ng kampo ng aktor na si Matt Evans na hindi physical abuse ang kasong isinampa sa kaniya, kundi ang hindi nito pagbibigay ng sustento sa kanilang anak ng kaniyang ex-girlfriend na si Johnelline Hickins.


Batay sa ulat, inaresto si Matt, alas – 11:30 ng umaga sa kaniyang bahay nitong Biyernes, matapos isyuhan ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 12 ng paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Nauwi raw kasi sa pisikalan ang away nila noon at nahulog pa umano si Johnelline sa hagdan.

Ayon sa kapatid ng dating partner nito na si Juan Alberto Carlotta na nagsilbing witness sa kaso, tinutukan pa umano ni Matt ng kutsilyo ang kaniyang girlfriend.

Mariin naman itong itinanggi ni Matt at sinabing hindi siya lasing at nanutok ng kutsilyo, tulad ng sinasabi ng kaniyang ex at kapatid nito.

Una nang naghain ng kaso laban sa aktor si Johnelline taong 2012, ngunit agad din itong nakalaya matapos mag-piyansa.

Facebook Comments