Lalaki, Natagpuang Patay sa Loob ng Kwarto!

768

Cauayan City, Isabela- Isang lalaki ang natagpuang wala nang buhay sa Beverly Hill sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ng PNP Cauayan ang biktimang si Orlando Simon, 56 anyos, walang asawa at tubong Calasiao, Pangasinan.


Si Simon ay naninilbihan bilang katiwala ng negosyanteng si Rizaldy Bustos sa lungsod ng Cauayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Cauayan, alas siyete kaninang umaga nang madiskubre ang insidente kung saan ay nagtaka umano ang amo at katrabaho ni Simon dahil hindi ito nagpaparamdam na taliwas sa nakagawian niyang maagang nagigising.

Sinubukang tignan ng ka-trabahong si ‘Jay’ ang biktima subalit naka lock ang kwarto nito kaya’t sinira ang kandato ng kwarto at nakitang nakadapa ang biktima na agad namang itinawag sa Rescue 922.

Sinubukan itong dalhin sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival.



Batay pa sa imbestigasyon ng kapulisan, namatay sa sakit si Simon na posibleng itinago umano nito ang nararamdamang sakit.

Base naman sa medical certificate, si Simon ay may sakit sa baga at mataas ang presyon ng dugo maliban pa sa pagiging diabetic nito na posibleng sanhi ng kanyang pagkamatay.


Nakatakdang iuwi sa Calasiao,Pangasinan ang mga labi ni Simon ngayong araw.

Facebook Comments