Senior Citizen na backrider patay sa aksidente sa Pangasinan

71

Patay ang isang 62 anyos na ginang matapos maaksidente sa Barangay Road ng Sitio Daramwangan, Pinmaludpod Urdaneta City Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon ng otoridad, lulan ang apat na katao ng isang traysikel ng mangyari ang insidente.
Iniwasan umano ng traysikel ang isa pang sasakyan hanggang sa bumangga na ito sa buhangin na nagresulta sa pagkakalaglag ng nasawi na kinilalang si Angela Andrada, residente ng Brgy. Labit Proper ng nasabing bayan.
Naitakbo pa sa pinakamalapit na ospital si Andrada ngunit idineklarang dead on arrival.
####

Facebook Comments