Lalaki, Natagpuang Patay sa Palayan Matapos Atakihin sa Puso

*Cauayan City, Isabela*- Natagpuang patay ang isang magsasaka sa isang palayan bandang alas siyete kaninang umaga sa Brgy. Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Arnel Remigio, 51 anyos, walang asawa at residente sa nasabing lugar.

Ayon sa naging imbestigasyon ni PSSg. Mario Lopez, imbestigador ng PNP San Mateo, lumabas sa isinagawang post mortem examination ng sumuring doktor ay inatake sa puso ang dahilan ng pagkamatay sa biktima matapos itong makitang nakahandusay sa palayan lulan ng kanyang bisikleta.


Una rito, nagkaroon ng inuman ang biktima sa bahay ng kanyang kapatid sa Brgy. San Marcos kagabi at papauwi na sana ito sa kanyang bahay nang mangyari ang insidente.

Wala namang nakikitang foul play ang kapulisan kaugnay sa insidente.

 

Facebook Comments