Lalaki; Patay, 1 Sugatan Matapos Mabangga ng 3-Wheeled Trike!

149

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang isang lalaki habang sugatan ang backrider nito matapos mabangga ng 3-wheeled trike sa pambansang lansangan sa Brgy. San Patricio, Delfin Albano, Isabela.

Kinilala ang nasawing drayber ng motorsiklo na may plakang BC-21477 na si Rosendo Rivera Jr, 44 anyos, walang asawa, magsasaka, residente ng Brgy. Calinaoan Sur, Delfin Albano Isabela habang nakilala ang backrider nito na si Estrella Zipagan, 51 anyos, may-asawa, residente naman ng Brgy. Calinaoan Sur Delfin Albano, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng motorsiklo ang lansangan patungong Sto Tomas, Isabela at nang mag-left turn ito ay biglang nabangga ng sumusunod na 3-wheeled trike na minamaneho ni Noel Garma, 55 anyos, may-asawa, magsasaka na taga Brgy. Quibal, Delfin Albano, Isabela.

Sa tindi ng pagkabangga ay nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawang sakay ng motorsiklo na agad dinala sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival (DOA) ang drayber ng motorsiklo.

Maswerte namang hindi nasugatan ang drayber ng 3-wheeled trike na nasa sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments