Mahigit isang milyong halaga ng shabu, nasabat sa Cainta, Rizal

Timbog ang isang babaeng umano ay tulak ng droga sa Cainta, Rizal matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa suspek.

Nakilala ang suspek na si Noralyn Abdulmanan Bundas, 21-anyos at residente ng nasabing lugar at isang bagong high valued drug personality ng Philippine National Police (PNP).

Narekober ng mga pulis mula sa suspek ang 205 grams ng shabu na may katumbas na halagang  P1,394,000 pesos at ang P1,000 pesos na ginamit bilang buy-bust money.


Batay sa ulat ng Eastern Police District (EPD), ginawa ang nasabing operasyon pasado ala-una kaninang mandaling araw sa harap ng isang convenience store sa Barangay San Isidro, Cainta, Rizal,

Nakakulong na ang nasabing drug suspected pusher sa EPD Custodial Facilities at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments