Lalaki, Patay Matapos Bumangga ang Minamanehong Motorsiklo sa Concrete Signage

876

*Cauayan City, Isabela*- Dead on Arrival ang isang lalaki matapos itong bumangga lulan ng kanyang minamanehong motorsiklo kagabi sa kongketong signage ng Barangay Labinab, Cauayan City, Isabela.

Kinilala an biktima na si Florence Pascual, 25 anyos at residente ng Dalit, Burgos, Isabela.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, nawalan ng kontrol ang biktima sa kanyang minamanehong motorsiklo sa pakurbadang bahagi ng daan na dahilan para bumangga ito sa kongkretong signage.

Dahil sa matinding pagkakabangga ay nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Nagpaalala naman ang pulisya na mag ingat sa pagmamaneho lalo na sa mga kurbadong daan upang maiwasan ang posibleng aksidente.

Photo Courtesy: Cauayan City Police Station

Facebook Comments