Lalaki, patay matapos iligtas ang 2 nalulunod na katrabaho

404
Courtesy: San Narciso Police

Isang 21-anyos lalaki ang nasawi matapos sagipin ang dalawa niyang kasamahan sa trabaho na nalunod sa isang pampublikong beach sa Zambales, Linggo, Agosto 25.

Narekober ang katawan ng biktimang si Arnie Reyes, fitness trainer at residente ng Malolos City, Bulacan, isang araw makalipas ang insidente, Lunes, ayon sa San Narciso Municipal Police.

Ayon sa awtoridad, tinangay ng malalaking alon ang dalawang babaeng katrabaho ni Reyes.


Rumesponde si Reyes, ngunit siya naman ang dinala ng malakas na agos at nawala nang ilang oras.

Dinala na sa ospital ang dalawang babae.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa biktima na kilala bilang “Coach Arnie”.



Sa Facebook page na Bulsu (Bulacan State University) Capture, nag-alay ng isang mensahe ng pag-alala at pasasalamat ang ilang nagmamahal sa biktima.

Facebook Comments