Misis at kumpare ni mister, patay sa saksak matapos mahuling nagtatalik

Patay ang isang misis at kumpare ng mister matapos mahuling nagtatalik umano sa loob ng kubo ng lalaking biktima sa Barangay Gupitan, Kapalong Davao del Norte nitong Lunes ng umaga.

Batay sa imbestigasyon ng awtoridad, pumunta ang mag-asawa sa tirahan ng kaibigan ng suspek upang kumuha ng kamote.

Umuwi sandali ang mister sa bahay nila para kunin ang naiwang basket na paglalagayan sana ng gulay.


Pagbalik ng lalaking asawa, naabutan niyang may ginagawang milagro ang dalawa.

Humantong ang komprontasyon sa pananaga ng paulit-ulit hanggang sa mapaslang ang babaeng asawa at kaibigan gamit ang bolo.

Kasalukuyang nakapiit sa Kapalong Police Station ang mister.

Facebook Comments