Lalaki, Patay Matapos Mabangga ng Van!

241

Roxas, Isabela – Patay ang isang lalaki matapos na mabangga ng Van ang sinasakyang motorsiklo dakong alas sais ng hapon, December 29, 2018 sa National Highway ng Brgy. San Jose, Roxas, Isabela.

Ang biktima na nagtamo ng matinding sugat sa katawan ay kinilalang si Christian Paul Dagdag Castillo, 24 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Sotero Nuesa, Roxas, Isabela.


Habang ang suspek at driver ng van ay si Jeraldo Matiyao Sagubat, 43 anyos, may asawa at nakarira naman sa Brgy. Bangad, Tinglayan, Kalinga.

Sa impormasyong ipinarating sa RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), magkasalungat na binabagtas nina Castillo at Sagubat ang nasabing lansangan nang aktong mag overtake si Sagubat sa lugar ay aksidenteng natumbok nito ang minamanehong motorsiklo ni Castillo.

Dahil sa lakas ng impak ng pagbangga ay nagtamo ng malalang sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan si Castillo na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda naman ang kakaharaping kaso ni Sagubat.

Facebook Comments

From Advertisers