Lalaki – patay matapos magbigti sa Victorias City, Negros Occidental

Victorias City, Negros Occidental – Pinaniniwalaang dahil sa depression kung kaya’t nagpakamatay ang isang 42-anyos na ama noong Biyernes sa Had. Jsefina, Brgy. 21 ng naturang lungsod.
Ang biktima ay nakilalang si Ronnie Sitjar, nagka-mild stroke at na-depress matapos na ayaw na sana nitong pabalikin pa sa Metro Manila ang kanyang asawa upang doon magtrabaho.
Ayon sa imbestigasyon ng Victorias PNP, sumakay sa kalabaw ang biktima upang makaakyat sa puno ng Mangga.
Nang nasa ibabaw na ito ng puno, itinali nito ang lubid sa sanga ng kahoy, tinali sa kanyang leeg at nagbigti.

Samantala, wala namang nakitang foul play ang mga police sa pagkamatay ng biktima.
DZXL558

Facebook Comments