Lalaki, patay matapos mahagip ng tren sa Maynila

Patay ang isang lalaki makaraang mahagip ng isang tren ng Philippine National Railways o PNR.

Kinilala ang biktima na si Walter Orbase, 36-anyos at residente ng Tondo, Maynila.

Sa inisyal na impormasyon, pasado alas- 4:20 kaninang madaling araw nang tumawid sa riles ng PNR sa bahagi ng Hermosa Street ang biktima.


Paparating naman ang tren sa Northbound ng riles, hanggang sa nahagip at masagasaan na ang biktima at agad na nasawi.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.

Facebook Comments