Mga Kasapi ng Isabela PPO, Tumanggap ng Ayuda

Cauayan City, Isabela- Namahagi ng mga assorted goods ang ama ng Lalawigan ng Isabela at Congressman ng unang distrito ng probinsya sa mga kasapi ng Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Sa ibinahaging post ng Isabela PPO, tinatayang aabot sa 539 piraso ng mga assorted goods ang ibinigay sa mga pulis ng IPPO na kanilang tinanggap kaninang umaga.

Ang nasabing tulong ay ibinahagi nina Governor Rodito Albano III at Isabela 1st District Representative Antonio ‘Tonypet’ Albano.


Nagpapasalamat naman ang lahat ng mga miyembro ng Isabela Police Provincial Office sa pamumuno ni PCol James Cipriano sa kanilang mga natanggap na tulong ngayong nasa gitna pa rin ng pandemya ang bansa.

Facebook Comments