Lalaki, patay matapos makuryente habang nagka-carwash

Idineklarang dead-on-arrival ang isang 38-anyos lalaki matapos itong makuryente habang nagka-carwash sa harap ng kanyang bahay sa Valenzuela City.

Kinilala ang biktimang si Alexander Bautista, residente ng #109 Servando St., Mapulang Lupa ng Lungsod.

Base sa report ng awtoridad, nangyari ang trahedya kaninang alas-8:00 ng umaga habang naglilinis si Bautista ng kanyang sasakyan.


Mayroon umano itong carwash na itinayo sa harap ng kanyang bahay.

Ayon sa salaysay ng saksing si John Ray Gargaritano, bigla na lang daw siyang nakarinig ng malakas na sigaw at nang silipim niya mula sa labas ng bahay ay bumungad ang biktima.

Aniya, sinubukan pa raw niyang tulungan ang biktima ngunit nang tangkain niya umanong gawin ito ay nakuryente rin siya.

Kaugnay nito, agad niyang pinatay ang circuit breaker bago humingi ng tulong sa barangay.

Bago pa man maisugod sa ospital ay binawian ng buhay si Bautista.

Facebook Comments