64-anyos lola, hinalay ng lalaking kapitbahay

Himas rehas ang isang lalaki matapos ireklamo ng panggagahasa sa 64-anyos na babae niyang kapitbahay sa Bacolod City.

Kinilala ng Sagay police ang suspek na si Glenn Adrino, 28, residente ng Prk. Kalubihan, Sitio Pandanan, Brgy. Himogaan Baybay.

Bandang alas-4 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang bahay ng hindi pinangalanang biktima at gahasain, ayon sa ulat ng awtoridad, Miyerkules ng umaga.


Nagising ang mga kaanak ng biktima matapos magpumiglas ang lola dahilan para saktan ni Adrino.

Naabutan ng pulisya ang suspek na walang suot na pang-ibaba sa bahay ng matanda.

Dinala na sa pagamutan ang biktima, habang inihahanda na rin ang kasong isasampa kay Adrino.

Facebook Comments