Lalaki, patay matapos makuryente sa Port Area Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos makuryente sa barangay 650 sa Port Area, Manila.

Sinasabing nagkakabit ng jumper o iligal na koneksyon ng kuryente ang biktimang si Randy Lavapie nang mangyari ang insidente.

Hindi naman agad naibaba ang biktima dahil kinailangan pang tumawag ng power distributor para wala nang madamay na iba.


Kaugnay nito, nagpaalala ang otoridad na iwasan ang nasabing iligal na gawain dahil bukod sa parusang pagkakakulong, maaari pa itong maging dahilan ng kamatayan.

DZXL558

Facebook Comments