Lalaki patay, matapos masagasaan ng mga nag da-drag race

*Patay ang isang lalaki matapos itong masagasaan ng mga taong nag da drag race.*
*Nakilala ang biktima na si Jaime Bahian Acusar Jr., 40 taong gulang na nakatira sa Purok 3 Brgy. Camaman-an sa lungsod ng Cagayan de Oro.*
*Ayon sa kaniyang kapatid na si Nestor Bahian Acusar, na lasing ang kaniyang kapatid kagabie at hindi na nito magawang umuwi sa kanilang bahay para matulog kung kayat inabutan ito ng antok sa kalsada malapit sa Rosewood Subdivision sa Brgy. Camaman-an.*
*Hating gabi kanina ng hindi namalayan ng dalawang naka motor na may taong nakatulog sa daan kung kayat sinalpok ng suspect na nakilala sa pangalan na si Christian Abanilla, 45 taong gulang na taga Verjaya Village Brgy. Camaman-an ang biktima na si Nestor Acusar.*
*Nagtamo ang biktimang si Acusar ng bali sa kaliwang bahagi ng kaniyang katawasan, habang si Christian Abanilla, ang nagtamo ng galos sa ulo at mukha.*
*Samantala ang isa pang sakay ng motor, ang daling tumakas matapos ang insidente.*
*Pinaniniwalaan na nag drag race ang dalawang suspect.*
*By: Kasamang Joanna Ricote*

Facebook Comments