Lalaki, patay matapos masagasaan ng tren sa Sampaloc Maynila

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang lalaki matapos masagasaan at makaladkad ng tren sa Maria Clara crossing ng Philippine National Railways (PNR) sa Sampaloc, Maynila kagabi.

Kinilala ang biktima na si Marvic Dela Cruz , 34-anyos isang beautician at dating residente ng lugar pero nakatira na sa Bulacan.

Ayon sa crossing-keeper ng PNR na si Raffy Enriquez, bandang alas-7:30 ng gabi nang mapansin niya ang biktima na naglalakad sa lugar at tila hindi narinig ang bumubusinang paparating na tren.


Sa pahayag ng PNR, sinubukan pa ng driver nitong mag-emergency brake pero inabot pa rin nito ang biktima.

Naganap ang insidente ilang oras bago magsimula ang dance contest sa lugar na inorganisa katulong ang nasabing biktima.
DZXL558

Facebook Comments