Special task group, ikinasa ng La Union Police para sa kaso ng pagpatay kay Sto. Tomas, La Union Vice-Mayor Vincent Rafanan

Manila, Philippines – Bumuo na ang La Union Police Provincial Office ng isang special task group para imbestigahan ang kaso ng pagpatay kay dating Sto. Tomas, La Union Vice-Mayor Vincent Rafanan at sa isang drug surrenderee sa bayan ng Pugo sa lalawigan.

Kabilang sa mga tinitingnang anggulo sa kaso ang pagkakasangkot umano ni Rafanan sa bawal na gamot, politika at sa personal nitong buhay.

Matatandaang sakay ng isang kotse ang dating bise-alkalde at naturang drug surrenderee na si Breatriz Sacamoto ng Basista, Pangasinan nang tambangan sila sa bayan ng Pugo.


Si Rafanan ay kasama sa drug watchlist bilang high value target ng mga awtoridad.
DZXL558

Facebook Comments