Lalaki, Patay Matapos Masagasaan!

168

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos mabangga ng sasakyan dakong alas 10:15 kagabi sa pambansang lansangan sa bahagi ng Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Wilson Agustin, 58 anyos, may-asawa, residente ng Brgy. Villa Domingo, Angadanan, Isabela habang ang suspek at drayber ng pulang Mitsubishi Pajero na may plakang VCW 260 ay si Dindo Patag, 44 anyos, residente ng District 1, Cauayan City, Isabela.


Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, habang patawid sa lansangan ang biktima nang hindi niya napansin ang rumaragasang sasakyan ng suspek.

Naisugod pa sa pagamutan ng Rescue 922 ang biktima subalit binawian din habang ginagamot.

Boluntaryo namang sumuko sa kapulisan ang suspek habang inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa laban kay Patag.

Facebook Comments