Dalagita, Ginahasa Umano ng kanyang Barkada na Kapwa Menor de Edad

572

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang dalawang menor de edad matapos isilbi ang kanilang warrant of arrest sa kasong Panggagahasa sa Brgy. Mozzozzin Sur, Santa Maria, Isabela kaninang umaga, January 20, 2020.

Itinago ang mga akusado sa pangalang Jayson, 17 anyos, isang Grade 11 student at Jack, 17 anyos, Grade 12 student habang ang biktima ay itinago sa pangalang Joyce, 16 anyos at kapwa mga residente ng nasabing Barangay.


Ayon sa imbestigasyon ni P/Capt. Rogelio Natividad, Hepe ng PNP Santa Maria, taong May 2019 ng mangyari ang nasabing panggagahasa ng dalawang menor de edad sa kanilang barkada matapos pagplanuhan ang insidente habang lango sa nakalalasing na inumin ang biktima.

Samantala, Buwan ng Agosto noong nakaraang taon ng magsampa ng kaso ang nasabing biktima.

Ipinalabas naman ni kagalang-galang hukom Jesus Felipe Torio ng RTC Br. 22 Cabagan Isabela.

Sa ngayon ay naiturn-over na sa BJMP Cabagan ang nasabing mga menor de edad.

Facebook Comments