LALAKI, PATAY MATAPOS MATAGA SA LALAMUNAN

Kasalukuyan ang ginagawang malalimang imbestigasyon ng mga tauhan ng Alicia Police Station sa tinagang lalaki sa barangay Callao, Alicia, Isabela.

Sa inisyal na impormasyong nakuha ng iFM Cauayan sa himpilan ng pulisya, kinilala ang biktima na si Cesar Ong, 52 taong gulang, may-asawa, negosyante at residente ng Brgy. Antonino sa nasabing bayan.

Lumabas sa kanilang inisyal na pagsisiyasat, nagtungo sa bodega ang driver ng biktima na si Berling Navelga para magbilad sana ng palay subalit tumambad dito ang duguang katawan ng biktima na nakahandusay sa labas ng bodega.

Nakita sa biktima na mayroon itong taga sa lalamunan na posibleng dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.

Ayon sa pulisya, nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon at mayroon na rin silang sinusundang gabay sa nangyaring insidente.

Facebook Comments