Lalaki patay, matapos pagbabarilin

Dead on the spot ang 24 anyos na tricycle driver na si Venjer Barroga alias BN, matapos pagbabarilin ng dalawang riding-in-tandem sa Samar St. Sampaloc Maynila kagabi.
Ayon sa ilang residente, nakarinig na lang sila ng apat na sunod sunod na putok ng baril at nang kanilang silipin, nakita nila ang tumatakas na ang apat na suspek sakay ng mga motorsiklo.
Hindi naman naplakahan ang mga motorsiklo.
May apat pang ibang kasamahan ang biktima na nag-aayos ng motorsiklo.
Agad silang umalis sa lugar dahil sa sobrang takot.
Palaisipan naman sa kinakasama ng biktima na si Jenny Llamoso ang posibleng motibo sa pamamaril dahil wala daw kaaway si Barroga.
Matagal na aniyang tumigil sa paggamit ng illegal na droga ang biktima.
Dati na ring naimbitahan sa police station si Barroga para sa verification na may kaugnayan sa illegal na droga.
Na-rekober ng SOCO ang apat na basyo ng bala sa crime scene.

Facebook Comments