Lalaki arestado matapos mahulihan ng patalim at shabu

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng patalim at shabu sa Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Ayon kay PSupt. Pedro Sanchez, hepe ng QCPD Station 10, nagbabantay ang kanyang mga tauhan bahagi ng NIA Road matapos dumadalo si Pangulong Duterte sa ika 113 anibersaryo ng BIR nang mapansin nila ang suspek na si Renato Servado na naglalaro ng patalim.

Bilang bahagi ng ipinatutupad na seguridad sa lugar, agad na kinumpiska ng mga pulis ang patalim mula sa suspek.


Nang pabulatlat ng mga pulis sa suspek ang kanyang mga bulsa ay nadiskubre pa sa kanya ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Agad na dinala na istasyon ng pulis ang suspek na sasampahan ng reklamo dahil sa paglabag sa RA 9165 at 10591 o illegal possession of deadly weapon.

Facebook Comments