Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Caloocan City

Caloocan – Agad na binawian ng buhay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa labas lang ng kanyang bahay sa Barangay 176 Bagong Silang, North Caloocan City.

Ayon sa mga awtoridad, dalawang suspek ang bumaril sa biktimang si Wilbert Cinco, 47-anyos, na nagtamo ng apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa narekober na mga basyo ng bala sa lugar, isang kalibre 45 ang ginamit ng mga suspek sa pamamaril.


Ayon sa mga residente, dati nang napagbintangang nagnakaw ng tricycle si Cinco habang kamakailan ay pinagbabaril din ang anak nitong bagong laya sa kulungan at maswerteng nakaligtas.

Facebook Comments