Lalaki, arestado matapos mahuling nagbebenta ng botcha sa Paco Public Market

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos mahuling nagbebenta ng mahigit 18 kilo ng botsa o double dead na lamang baboy sa Paco Public Market sa Maynila.

Huli si Michael Paosti sa ikinasang operasyon ng Manila Veterinary Inspection Board sa lugar matapos makatanggap ng reklamo tungkol sa naturang modus.

Ang diskarte ng suspek, ginagawa nitong litson ang botsa para hindi mahalata na sira na ang laman tsaka ibinebenta sa mas murang halaga.


Payo ng inspection team sa mammimili, kilatising mabuti ang binibili lalo na kung masyadong mababa ang presyo nito.

Facebook Comments