Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa loob mismo ng kanilang bahay sa Osmeña highway, Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman sa loob ng kanilang tirahan sa tabi ng riles sa OsmeƱa highway, Maynila.

Sa ulat, dakong alas-10 ng gabi nangyari ang pamamaril sa biktimang si Rolando Rebulacio, 40 taong gulang na may apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa kinakasama ng biktima na si Melinda Bergado, patulog na sila nang hawiin ng gunman ang kurtina ng kanilang tirahan tska ito pinagbabaril.


Aminado si Bergado na dating gumagamit ng iligal na droga si Rebulacio kung saan natagpuan ng mga pulis ang ilang drug paraphernalia sa tirahan ng mga ito.

Facebook Comments