Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Quezon City

41

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang 31- anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa QC.

Kinilala ang biktima na si Jeffrey Liganon nakatira sa Rose St. area 8 Brgy. Payatas.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng QCPD-CIDU nakaupo lamang ang biktima malapit sa tapat ng kanilang bahay ng dumating ang dalawang lalaking na naka face-mask at sunod sunod na pinaputukan ang biktima.

Nakuha sa biktima ang isang pouch wallet na may laman na limang maliliit na plastic sachet na may lamang shabu.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Facebook Comments