Lalaki – patay matapos pagbabarilin sa Santiago City, Isabela

Santiago City, Isabela – Binaril ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang lalaki kagabi sa Osmena St., Purok Siyete, Barangay Villasis, Santiago City.

Ayon sa mga nakasaksi, hinabol ng hindi pa nakikilalang suspek ang hindi pa rin nakikilalang biktima.

Nakorner ng suspek ang biktima sa bahay ng isang nagngangalang Mary Anne Navea at dito binaril.


Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Naisugod pa sa pagamutan ng mga rumispondeng kasapi ng rescue 1021 ang biktima, subalit idineklara itong dead on arrival.

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng kalibre korentay singko na baril at isang cellphone.
Inaalam pa rin ang motibo sa nasabing krimen.
DZXL558

Facebook Comments