Dating SB member Sandy Boy Salcedo ng Concepcion Iloilo, huli sa buy bust operation ng PDEA sa peoples terminal sa bayan ng Pavia, Iloilo

Iloilo City, Philippines – Nahuli si dating SB member sandy Boy Salcedo ng bayan ng Concepcion sa ikinasang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency kasama ang Pavia PNP sa Ungka Peoples Terminal sa Ungka 2 Pavia kahapon ng hapon.

Sinabi ni Police Chief Inspector Jonathan Pinuela, hepe ng Pavia PNP na isinagawa ang buy bust operation mga alas 3:40 kahapon ng hapon kung saan nabilhan si Salcedo ng isang sachet ng suspected shabu sa halagang 500 peso.

Nakuha mula kay Salcedo ang tinatayang 5 gramo ng shabu kasama na ang blood money na umabot sa 30 libong peso.


Ayon kay Pinuela na nasa custody na ng PDEA si Salcedo na itinuturing high value target level 2 sa buong rehiyon 6.

Dagdag pa nito na matagal nang minomonitor ng PDEA si Salcedo na identified sa ilalim ng dating Odicta Drug Group.

Sasampahan si Salcedo ng kasong paglabag sa R.A. 9165 at dahil nabilhan ito ng iligal na droga, sinabi ni Pinuela na hindi ito puwedeng magpiyansa.
DZXL558

Facebook Comments