Tondo, Maynila – Patay agad ang 35-anyos na si Richard Bunayon matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspect sa Parola Cmpd. sa Tondo, Maynila.
Batay sa report ng Homicide Section ng MPD, isang lalaki ang bumaril sa kanyang pinsan habang ito ay nakatayo at nanonood ng mga naglalaro ng basketball sa Area B Gate 13 Parola Cmpd. sa Tondo.
Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa mukha at braso si Bunayon mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.
Ayon sa pinsan ng biktima na si Daisy Cabaylo, wala siyang alam na kaaway ng kanyang pinsan.
Hindi rin niya alam kung nagbalik ito sa droga. Pero, aminado siya na kalalaya lamang ng kanyang pinsan dahil sa droga.
Tumanggi naman ang pamilya na i-autopsy ang katawan ng biktima.
Facebook Comments