Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Tondo

Tondo, Maynila – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Tondo, Maynila.

Katatapos lang maglaba at naisipang bumili ng alak ng 32-anyos na biktimang si Erwin Llego kung saan habang nakatambay sa Bonifacio Street, Barangay 101 ay dito na ito pinagbabaril ng riding-in-tandem.

Hindi na rin namukhaan ang bumaril sa biktima dahil malayo na ito nang makita ng mga residente.


Ayon sa tiyuhin ni Llego na sekretarya ng barangay, dati siyang gumagamit ng droga pero tumigil na ito at nagtatrabaho na bilang matador.

Malinis naman ang record sa barangay ng biktima kaya wala silang nakikitang ibang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments