Lalaki, patay matapos saksakin ng kaniyang kapitbahay

Manila, Philippines – Nang dahil sa sobrang ingay, patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kaniyang kapitbahay sa p. Borromeo Street, Brgy. Longos, Malabon City.

Nakilala ang biktima na si Jay Rmaile, 44-anyos habang kusa naman sumuko ang suspek na si Alberto Ople Jr.

Sa ulat, nag-aaway ang suspek at nanay nito kaya’t naingayan ang biktima kung saan sumugod ito sa bahay nila saka tinutukan ng .45 na baril ang mag-ina.


Nakakuha naman ng kutislyo ang suspek saka sinaksak ang biktima ng pitong beses at natigil lamang ng dumating ang isa pa nilang kapitbahay na si Gerald Rospe.

Naisugod pa sa Tondo General Hospital ang biktima pero namatay habang ginagamot at dinala din sa nasabing ospital ang sugatang kapitbahay na umawat sa gulo.

Facebook Comments