Lalaki, patay matapos saksakin sa Bacoor, Cavite

Bacoor, Cavite – Nakuhanan ng camera ang pagpatay sa isang lalaki matapos siyang pagtulungan ng apat na naka-away sa Bacoor, Cavite.

Sapul sa CCTV ang biktimang si Luisito Villalon na nakipagsabayan sa paghataw ng hawak niyang pamalo laban sa apat na lalaki na armado rin ng mga pamalo at patalim.

Napaatras na ang apat na lalaki pero binalikan pa ng biktima ang mga nakaaway at hindi na nakita sa CCTV ang pagkakasaksak sa kaniya ng suspek na si Basilio De Jesus.


Arestado naman ang tatlo sa mga suspek kung saan ang isang sa kanila ay menor de edad.

Facebook Comments