Lalaki, Patay matapos Sumalpok sa Ten Wheeler Truck!

492

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang isang lalaki makaraang sumalpok sa sinusundang truck sa pambansang lansangan ng Brgy. Salvacion, Alicia, Isabela.

Kinilala ang biktima at driver ng Honda TMX 125 na si Christopher A Mateo na residente ng Brgy. Malibago, Echague, Isabela habang kinilala naman ang suspek at driver ng Ten wheeler truck na may plakang BBA 322 na si Jovy Aparejeola na residente naman ng Brgy. Zitanga Ballesteros, Cagayan.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Alicia, sumalpok ang motorsiklo ng biktima nang biglang huminto sa lansangan ang sinusundan nitong truck.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang drayber ng motorsiklo na agad namang dinala ng Rescue 531 sa pagamutan subalit idineklara din itong dead on arrival (DOA).

Dinala naman sa PNP Alicia ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments