Konsehal ng San Jacinto, Pangasinan pinagbabaril, patay

Patay ang isang councilor ng San Jacinto, Pangasinan matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem.
Kinilala ang biktima na si Virgilio Calizo Jr. municipal councilor ng bayan ng San Jacinto.
Sa report na nakalap ng IFM Dagupan, ang pamamaril ay nangyari sa kahabaan ng Brgy. Imelda habang nakahinto ang sasakyan ng biktima kasama ang kanyang asawang naghihintay sa kanilang kliyente sa catering service.
Bigla na lamang nilapitan ang biktima na hindi pa matukoy na mga suspek at binaril sa ulo na dahilan ng agaran nyang pagkakamatay.
Agad tumakas ang mga suspek matapos ang insedente.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa tunay na motibo ng pamamaril at kung may mga saksi o CCTV sa mismong pinangyarihan ng insedente.

Facebook Comments