Lalaki patay matapos tadtarin ng saksak sa bayan ng Madalag

36

Madalag, Aklan — Hindi na umabot na buhay sa Madalag Municipal Hospital ang isang lalaki matapos tadtarin ng saksak kaninang hapon sa Poblacion, Madalag, Aklan.
Nakilala ang biktima na si Noel Donato, 55-anyos at residente rin ng nasabing lugar.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Madalag PNP na bumibili ng pagkain ng baboy ang biktima ng lapitan ito ng suspek matapos bumaba sa sinasakyang motorsiklo at pinagsasaksak ito.
Matapos ang krimen ay agad na tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo papuntang direksyon ng Kalibo ayon sa mga nakakita.
Rumesponde ang mga kapulisan sa lugar at dinala ang biktima sa hospital pero idineklarang dead on arrival ng doctor matapos na magtamo ito ng 19 na tama sa katawan.
Ang motibo sa nasabing krimen ay ang pag higanti ng suspek sa biktima matapos na pinatay rin ng biktima ang tatay ng suspek mga sampung taon na ang nakakalipas.
Agad na inalerto ng Madalag PNP ang mga kalapit na police station sa posibleng pagka aresto ng suspek pero kagabi rin ay nag surrender ang suspek sa Numancia PNP na kinilalang si Charlie Mar Nala, 27-anyos at residente ng Sitio Libas, Brgy. Alas-as, Madalag, Aklan.
Sa ngayon ay kulong na sa Madalag PNP ang suspek at mahaharap sa karampatang kaso.

Facebook Comments