Lalaki, patay matapos umanong makainom ng gatas

OHIO, USA – Natagpuang patay sa loob ng tinutuluyang dorm sa Nelsonville college ang isang 20-anyos na lalaki matapos umanong makainom ng gatas, nitong Huwebes, Disyembre 12.

Base sa obitwaryo ng college student na si Logan Lewis, lumalabas na nasawi ang binata sa anaphylaxis, isang allergic reaction na kinakailangan ng agarang lunas.

Ayon sa ina ni Lewis na si Jamie Baker, allergic ang anak sa gatas kaya nang aksidenteng makainom ay agad na nawalan ng malay ngunit huli na nang maidala siya sa pinakamalapit na ospital.


“As many of you know Logan has had a life-threatening milk allergy his entire life,” aniya.

Kwento niya, aksidenteng nakainom ng gatas ang anak ngunit hindi agad nakuha ang kanyang gamot para matigil ang naturang reaksyon.

Sabi naman ng university spokesman Tim Brunicardi, under investigation pa ang trahedya at wala silang nakikitang foul play sa nangyari.

Si Lewis ay isang sophomore student na kumukuha ng medical lab techinician program sa Nelsonville college.

Samantala, labis naman ang pagdadalamhati ng kanyang pamilya sa kanyang pagkawala.

Facebook Comments