Kalansay ng Lalaki, Natagpuan sa Isang Kweba!

597

Cauayan City, Isabela- Isang kalansay ng lalaki ang natagpuan sa kweba na pinaniniwalaang limang (5) taon nang ibinaon ng suspek sa bahagi ng Barangay Gulac, Diffun, Quirino.

Ito ay matapos lumutang at ituro ng tatlong kalalakihan na saksi umano sa pagbaon sa bangkay ng isang lalaki na hindi pa nakikilala.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.Victoriano Yarcia, hepe ng PNP Diffun, nahuli na nila ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na si Michael Micol, nasa tamang edad at residente rin ng nabanggit na lugar.

Ngayon lamang umano naglakas ng loob na magsumbong sa pulisya ang tatlong witness sa pagbaon sa bangkay ng lalaki.

Kasalukuyan ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa dahilan ng pagpatay sa biktima at pagkakakilanlan nito.

Ang akusado ay nakakulong na sa Quirino Provincial Jail habang nananawagan ngayon ang pulisya sa sinuman na matagal nang nawawalan ng kamag-anak na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan.



Facebook Comments