Lalaki – patay matapos umawat sa away ng kanyang kapatid sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan

Mangaldan, Pangasinan – Patay ang isang 27-anyos na binata matapos umawat sa away ng kapatid na isang 19-anyos na binata sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Napuruhan at agarang namatay ang biktimang si Jinjen Lumibao, matapos saksakin ng suspek na si Daryl Solis.

Ayon sa mga awtoridad, umawat ang biktima sa away ng kanyang kapatid na si Richard Lumibao pero siya naman ang pinagbalinan ng suspek.


Ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya at sasampahan na ng kaso.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments