Suspek sa iligal na droga, arestado ng PDEA sa Surigao City

Surigao City – Arestado ang isang lalaki sa loob ng isang pension house sa Boromeo St. sa Surigao City.

Kinilala ang suspek na si Carl Pontevedra, alyas ‘Jayson’, 43-anyos na nakuhanan ng isang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P200,000.

Sa ngayon ay dinala ang suspek sa PDEA Butuan City at nakatakdang sampahan ng kaso sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558


Facebook Comments