Camarines Sur, Philippines – Patay ang isang padre de pamilya matapos mabangga ng isang pampasaherong bus sa Bula, Camarines Sur.
Kinilala ang namatay na si John Gerubin, 24-anyos.
Tumatawid noon ang biktima sa kalsada sa barangay Pawili nang mabangga ng Raymond Bus na minamaneho ni Eleodoro Miranda, 31-anyos.
Nananatili na ngayon sa kostudiya ng mga otoridad ang driver ng bus habang patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pangyayari.
Facebook Comments