Nasawi ang isang lalaki matapos masugatan ng manok sa kasagsagan ng sabong sa Andhra Pradesh, India, noong Linggo.
Kinilala ang biktima na si Saripalli Venkateswara Rao, 55, na nanonood lamang sa iligal na aktibidad sa bayan ng Pragadavaram, ayon sa The Times of India.
Ayon sa ulat, aksidenteng nakawala mula sa taga-hawak ang isang manok panabong na may nakakabit na patalim sa paa na nakahiwa sa hita ni Rao.
Namatay sa matinding pagdurugo ang biktima.
Iligal ang sabong sa India sa bisa ng 1960 Prevention of Animal Cruelty Act na nagbabawal sa pagsisimula ng labanan ng mga hayop.
Noong 2018, nanawagan ang hukuman ng Hyderabad sa gobyerno ng Andhra Pradesh na ipatupad ang nasabing batas dahil napag-alamang hinahayaan ng pamahalaan ang pagpapatuloy ng sabong.