Lalaki, Patay nang Malunod sa Pinacanauan River

74

Cauayan City, Isabela- Narekober na ang wala nang buhay na katawan ng isang lalaki matapos malunod sa ilog na sakop ng Pinacanauan River bandang 11:35 ng umaga kahapon sa Brgy. Centro 6, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang nasawing biktima na si Alvin Cabal, 20-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Cataggaman Nuevo, Tuguegarao City, Cagayan.


Ayon sa imbestigasyon ng Tuguegrao City Police Station, napagdesiyunan ng biktima kasama ang kanyang mga kaibigan na nagngangalang Gabriel Mabatan, 20-anyos; John Arnold Raquiza, 18-anyos; at Elimar Surbano na maligo sa nasabing ilog.

Aniya, ilang saglit pa ng makita na lamang ng kasamahan ng biktima na itinutulak na palayo ng isang pirasong kahoy na may nakakabit na nylon rope hanggang sa sinubukan pang iligtas ng mga kaibigan nito ang biktima subalit bigo sila nang tangayin na ito ng malakas na alon ng tubig.

Agad naman na rumesponde ang Philippine Coast Guard at Rescue 111 Tuguegarao para magsagawa ng retrieval operation hanggang sa marekober na ang bangkay nito.

Isinugod ang biktima sa Cagayan Valley Medical Center para mailigtas pa subalit idineklara itong dead on arrival ng sumuring doktor.

Facebook Comments