Magsasaka, Huli sa Pag-iingat ng Hindi Lisensyadong Baril

122

Cauayan City, Isabela-Arestado ang isang magsasaka sa paglabag sa kasong RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) bandang 10:30 ng umaga kahapon sa Brgy. Junction, Pinukpuk, Kalinga.

Kinilala ang akusado na si Jocel Bacwedan, 35-anyos, may-asawa at residente ng Sitio Casinggoban, Barangay Junction, Pinukpuk, Kalinga.


Dinakip si Bacwedan matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest nito na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Hon. Bernabe B. Mendoza, RTC Judge, 2nd Judicial Region, Branch 23, Roxas City, Isabela para sa nabanggit na kaso.

Pinagsanib na pwersa ng Pinukpuk MPS trackers team katuwang ang Regional Intelligence Unit (RIU-14), Provincial Intelligence Unit (PIU) Kalinga PPO, 1503rd RMFB, Tabuk CPS, at Roxas CPS.

Ikinostodiya na ng pulisya ang akusado bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments