Lalaki, patay nang pagbabarilin sa Makati City

Manila, Philippines – Sa kuha ng CCTV, nagtalo ang biktima at ang suspek na nakilalang si Marcelino Paragoya Canamo Jr, alyas Marco na dating marines.

Matapos nito, inabangan ng suspek ang biktima at pinagbabaril saka sumakay ng taxi.

Ayon sa taxi driver na hindi nagpakilala, inamin sa kaniya ng suspek ang pamamaril sa biktimang si Edison Kendumpa


Sinabi naman ni Makati Police Chief Inspector Roman Salazar, na posibleng napagkamalang habal-habal ng suspek ang biktima.

Nasampahan na ng kasong murder ang suspek na patuloy na pinaghahanap.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments