Lalaki patay ng pagbabarilin sa sabungan sa Pangasinan

313

Dead on the spot nitong sabado ang isang lalaki sa sabungan sa Brgy. Ventinilla Sta. Barbara, Pangasinan matapos itong pagbabarilin ng apat na kalalakihan.
Kinilala ang biktimang si Ranjit King Calimquim, 27-anyos.
Sa report ng PNP Sta. Barbara, nasa likod na parte ng sabungan ang biktima ng pagbabarilin ito ng apat na kalalakihan na lulan ng motor.
Nakasuot umano ng maskara ang mga suspek kung kaya’t hindi ito namukhaan ng mga nakakita sa insidente.
Nagsasagawa na ng dragnet operation ang otoridad para sa mabilisang pagkakadakip ng apat na suspek.
###

Facebook Comments

From Advertisers