Lalaking pumatay sa kaniyang sariling asawa, nanlaban sa pulis, patay sa Pangasinan

208

Patay ang isang ginang matapos itong pagtatagain ng kaniyang sariling asawa sa Barangay San Gabriel 2nd Bayambang Pangasinan.
Sa report ng otoridad, nasaksihan ng 15 taong gulang na anak ang pananaga ng kaniyang ama sa kaniyang ina.
Ayon sa anak, nagpapakain ito ng kanilang aso ng marinig na nag-aamok ang kaniyang ama na kinilalang si Rosendo Panaman.
Isinara ni Panaman ang pintuan ng kanilang bahay at narinig ng anak na humihingi ng tulong ang kaniyang Ina na si Marivic Panaman.
Dito na pumasok ang anak at nakitang pinagtataga ang kaniyang Ina.
Tinangka ng suspek na tagain din ang kaniyang anak ngunit ito ay agad na nakatakbo agad palabas ng bahay.
Sinubukang awatin ng otoridad ang suspek ngunit napilitan itong barilin ng sugurin din sila gamit ang kaniyang bolo.
Itinakbo ang mag-asawa sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
###

Facebook Comments

From Advertisers